Strit Puds (Street Food)


Katangi-tangi sa mga Pinoy ang kanilang hilig sa pagkain. Anoman ang pakiramdam nila kumakain sila, masaya man o malungkot. Kahit na makakakita ka ng restoran sa saanmang sulok ng kalsada, iba parin ang kumain ng "street food." Pinakasikat sa mga "street food" ay ang squidball, fishball, dirty ice cream, taho, at ice candy. Kahit sino ang nakakabili nito dahil siguradong hindi lalampas ng 25 pesos pagka bumili ng mga ito. Hindi kompleto ang paglakbay papuntang Pilipinas paghinding nakakain ng "Street Food."


Mga Street Food

Balut- itlog ng "duck" na may "embryo"
Dirty Ice Cream- hindi ito madumi! tawag din dito ay Sorbetes
Taho- "Soy bean custard" na may "syrup" at sago
Turon- saging na nasa lumpia wrapper
Ice Candy- Yelong juice ng prutas
Isaw- Bituka ng manok na may suka
Kwek-Kwek- Nilagang itlog ng manok o ng "quail" na prinito
Banana cue- Prinitong saging na may asukal


http://tourism-philippines.com/philippine-street-food-part-1/
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Philippine_street_food